Slogan:
“Lipunan at Kultura’y sadyang mapagbibigkis ng Wikang Kinagisnan, Kung ating pahahalagahan itong ating munting Kayamanan”

(Poster with Slogan)

Explanation:
Bilang pagpapahalaga sa Buwan ng Wika, ang ideyang nabuo namin sa paggawa ng digital poster with slogan ay maituturing naming kayamanan. Hindi kayamanang katumbas ng ari-arian, pera at materyal na bagay kundi kayamananang hindi mananakaw ng sino man.
Bilang isang estudyanteng Plipino, ang lipunan, kultura at wika ay isang kayamanan sa pagkakabuklod ng mamamayan sa bansang kanyang kinabibilangan. Naniniwala kami na walang bansang nagtagumapay, kung walang wikang  ginamit na nagsilbing tulay sa pagkakaunawaan. Walang kultura ang nagpayabong at napanatili, kung walang pagkakaisa at hindi mabubuo ang lipunan kung wala ang saklaw na kumikilos dito tulad ng interaksyon ng tao.
Ang pagpapahalaga sa bawat lipunan, kultura at wika ng bawat tao ang magiging susi sa pag-usbong at pagpapanatili ng kaayusan sa mundo. Iba-iba man ang kulay ng ating balat, taglay na katalinuhan at talento, paniniwala, kultura, pamumuhay at wikang binibigkas, walang imposible na mapagbibigkis natin ito kung tayo’y magkakaroon ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at higit sa lahat pagmamahalan.

Mga Komento